Tuesday, October 23, 2012

BarKada.

BARKADA. Lahat naman ng tao may barkada sino bang tao ang walang barkada.? 3 man kayo o 100 na magbabarkada hindi mawawala yung may tanga, may mahirap makaintindi, papansin, maloko, mahirap kausap, mataas ang pride, simple, maarte, gusto siya ang boss, yung iba naman siya ang inuutusan. Hindi ba't nakakatawang isipin na iba iba ang character ng bawat isa pero isipin mo mabuti yung ibang kabarkada mo hindi mo masakyan ang trip o kaya naman naguguluhan ka kung bakit napasama ka sa kanila kasi naiiba ka. Pero sa bandang huli marerealized mo na iba iba man kau ng ugali kayo pa din ang nagdadamayan sa lungkot at saya. May mga barkada sinasapak ka na ng harapan, minumura na buong pagkatao mo, makapal ang mukha pumasok ng bahay niyo at ubusin ang pagkain niyo. Mas ok yung ganong barkadahan hindi nahihiya kung sino sila sa pamilya ng barkada nila kasi alam nila na wala naman ilang ginagawang masama. At kapag may problema ka hindi yan makikinig sayo sesermonan ka tapos babanatan tapos babarahin lalo na kung ikaw ang may kasalanan pero sa huli bibigyan ka nila ng pamatay na advise na kailangan mong sundin. Mahirap ka pagwala kang barkada isipin mo sino ang kakatok sa pinto ng bahay niyo para paalalahanin na kailangan niyong mag inom para makwento mo lahat ng sama ng loob mo. Sila na ang pumunta sila na ang nag aya pero ikaw ang taya sa pulutan at alak. Ang sarap lang isipin na sa isang katulad mo may mga taong handang damayan ka kahit ang hirap mo kausap dadamayan ka pa din nila. 




In my 22 years of existence in this earth. Ang dami ko nag nakilalang naging kaibigan. May mga kaibigan akong iniwan na ako may bago na silang barkada. May kaibigan akong ang tagal tagal na nming magkaibigan pero minsanan lang kami magkita o magkausap. May kaibigan akong nakaksama ko lang kapag may happenings. May kaibigan akong nagpaparamdam lang kapag may kailangan. At higit sa lahat may kaibigan akong kasama ko sa saya at lungkot yung hindi ka talaga iiwan tapos minsan sila pa ang mangungulit sayo na ikwento mga problema mo. Pero sa lahat ng kaibigan ko may isa akong kaibigan na alam na lahat lahat ang tungkol sa akin. Walking Diary ko nga siya eh. Maliit o malaking pangyayari sa buhay ko alam na ata niya ganun din ako sa kanya ako lang nakaka alam ng sekreto niya. Siya lang din ang nakaka alam kung okie ako o hindi kung ano nasa isip ko at kapag nagtitinginan kami alam na namin ang ibig sabihin nun. Ang sarap ng may ganong kaibigan.


No comments:

Post a Comment